^

Bansa

Epidemya nakaamba sa evacuation centers

Pilipino Star Ngayon
Epidemya nakaamba sa evacuation centers
Namigay ng tubig at hygiene kits sa Taal evacuees ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa isinagawang relief operations at medical mission sa Laurel, Batangas.

MANILA, Philippines — Pinangangamba­hang kumalat ang iba’t ibang sakit sa mga evacuation centers kung saan nanunuluyan ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na nakatutok na nga­yon ang DOH sa posibleng epidemya ng mga sakit na idudulot sa mga evacuees.

Libong mga residente sa Batangas ang nasa iba’t ibang evacuation area matapos ang pagsabog.

Ani Duque, mapa­nganib sa kalusugan ng mga may sakit ang ash- fall.

Posibleng mas lumalala pa ang sakit ng mga may bronchitis, pneumonia, asthma at lung conditions. 

Makakaapekto ng malaki sa lung tissue ng isang tao ang toxic chemicals tulad ng carbon dioxide, sulfur dioxide, hydrochloric acid, hydrofluoric acid, fluorine at silica.

Handa rin ang DOH sa pagbabakuna bunsod ng posibleng outbreak ng mga sakit sa evacuation centers.

Nakikipag-ugnayan na rin si Duque sa mahuhusay na psychosocial health officers ng Department of Social Welfare and Development matapos makarating sa kanya ang ulat na maraming senior citizens ang na-trauma makaraan ang makapal na ashfall.

Aniya, marami ang nag-akala na katapusan na nila dahil sa sunud-sunod na pag-aalburoto ng bulkan, pagbubuga ng pyroclastic materials at mga pagkidlat.

 

EVACUATION CENTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with