^

Bansa

Pangalawang relief ops ng Taguig sa Taal evacuees, umarangkada

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pangalawang pagkakataon ay muling naghatid ng tulong sa mga apektadong residente ng pagputok ng Bulkang Taal, ang pamahalaang lungsod ng Taguig upang magbigay ng libreng medical assistance at relief packs sa higit 122 pamilya mula sa bayan ng Laurel sa Batangas.

Isinagawa ang medical mission at relief operation sa Splendido Evacuation Site sa bayan ng Laurel. Nagtulung-tulong ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang masi­gurado na mabibigyang res­ponde ang halos 500 indibidwal na lumikas sa kani-kanilang tahanan upang makaiwas sa mas matinding panganib.

Ang charitable effort ay nagsimula sa isang medical mission na pina­ngunahan ng Taguig City Health Office matapos humingi ng tulong medikal ang lokal na pamahalaan ng Laurel para sa mga evacuees nito. Nagdala rin sila ng isang botika kung saan maaaring makakuha ng mga gamot ang mga nangangailangan.

Nakatanggap din sila ng food packs, tubig, hygiene kits, kumot, at banig mula sa Taguig City Social Welfare and Development.

Nagbigay din ang Taguig sa bawat pamilya ng mga water jugs at Sodium hypochlorite na ginagamit upang maging ligtas inumin ang tubig. Tinuruan din ang mga lumikas kung paano nila ito gagamitin.

Ilang truck ng tubig at gamit pampalinis naman ang dala ng Taguig Rescue. Tumulong rin ang Taguig City Police sa medical mission.

Ang medical mission at relief operation na ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa mga opisina nina Sen. Pia Cayetano, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano.a

TAAL EVACUEES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with