MANILA, Philippines — Nakatikim ng sari-saring banat sa social media ang broadcaster at kolumnista na si Ramon Tulfo matapos ang kontrobersyal na pahayag laban sa mga kawani ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa isang tweet kasi ni Tulfo, na itinalagang special envoy to China ng Malacañang, sinabi niyang ipapapatay niya ang lahat ng nasa Phivolcs dahil sa "kawalan ng babala."
"Goddamn Phivocvoc! [sic] Wala man lang babala tungkol sa pagsabog ng Taal Volcano!" sabi niya sa kanyang tweet sa Inggles, Linggo ng gabi.
"Kung ako lang ang masusunod, ipabibitay ko lahat ng nasa Phivo[l]cs!"
Goddamn Phivocvoc! There was no warning about the eruption of Taal Volcano! If I were to have my way, I would have all the Phivocs people executed!
— Ramon Tulfo (@RamonTulfoII) January 12, 2020
Taliwas sa sinabi ni Tulfo, Marso 2019 pa lang nang ianunsyo ng Phivolcs na itinaas na nila sa Alert Level 1 (abnormal) ang Taal dahil sa mga kakaibang naobserbahan nila bulkan gaya ng:
- volcanic earthquake activity
- ground deformation
- gas emission
Muling naglabas ng Taal Volcano advisory ang Phivolcs noong ika-1 ng Disyembre, 2019, kung saan ibinabala nila ang posibilidad ng "magmatic disturbance" na nangyayari sa ilalim ng bulkan.
Sinabi na rin nila noong Disyembre na maaaring itaas sa Alert Level 2 ang bulkan oras na lumala ang mga kondisyon roon.
Nanggalaiti tuloy ang netizens dahil sa pahayag ni Tulfo.
Google google rin . Last year pa may warning .
— Ma'amSyj???? (@MaamSyj) January 15, 2020
December 2019.
— barry villanueva (@barryvillanueva) January 15, 2020
Mula March pa yang ganyang mga advisories nila. Ano idinadakdak mo diyan? pic.twitter.com/qatStUWNQ3
Gago ka. Tanungin mo muna kung sapat ba ang budget ng PhiVolcs at kung sapat ba ang bilang ng geologists at staff nila.
— Scribbler (@ororoschild) January 15, 2020
Ang ibang commenters, hindi na napigilang ungkatin ang kasong kinasasangkutan ng mga kapatid na sina Ben Tulfo at dating Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.
Kaugnay ang isyu ng P60 milyong ad placement ng DOT para sa television program ng mga kapatid, bagay na nasilip ng Commission on Audit.
Sinisilip nyo PhiVolcs?? Sir yung Bulkan unpredictable po yan, Parang mga kapatid mo, akala nyo isosoli ang ninakaw pero hindi pa rin, See, same picture.!?
— PoorTheMotherLand (@land_poor) January 15, 2020
Hoy Tufo! PHIVOLCS, hindi phivocs ?? At yung ninakaw nyo, idonate nyo kaya sa mga biktima ng #TaalErruption2020 ano po? ?? pic.twitter.com/rdtMXw6lLS
— Tomoya (@siraudon) January 15, 2020
If i will have my way, kukunin ko 60M sa pamilya nyo at ipamimigay ko sa mga evacuees.
— Yashaito ????????????? (@yashaito) January 15, 2020
Sa kabila nito, una nang sinabi ni Ramon Tulfo na hindi siya ang "nagnakaw" ng P60 milyon si Ben daw ang may kagagawan noon.
Kanina lang ay dinepensahan ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang Phivolcs nang sabihing hindi nahuhulaan ang eksaktong petsa kung kailan samasabog ang bulkan.
Dati nang nabatikos si Tulfo sa pagsabi niya na mas gusto raw ng mga contractor na kumuha ng Chinese workers dahil mas masipag raw sila kaysa sa mga Pilipino.