Gulay, prutas na may ashfall ligtas kainin
MANILA, Philippines — Ligtas kainin ang mga prutas at gulay na nabalutan ng ashfall basta hugasan lat linisin lang ng mabuti.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo, safe kainin ang mga prutas at gulay dahil hindi naman ito napapasok ng ashfall, hindi tulad ng mga hayop na puwedeng pasukan ng ashfall ang kanilang mga katawan.
Muli itong nanawagan na huwag kainin ang mga isda mula sa Taal Lake sa posibilidad na apektado na ito ng ashfall o nakalalasong kemikal.
Partikular na tinukoy ni Domingo ang tawilis at tilapia na marami sa Taal.
“Hangga’t ’di tayo sigurado, might as well be cautious because we know that toxic substances have been thrown out of the volcano and na-dissolve ‘yan sa tubig…Kapag naingest natin ito, baka malipat ito sa katawan ng tao, itong toxins na ito,” dagdag ni Domingo.
Sa ngayon, umaabot na sa P577.4 million ang initial damage sa farming ng pagsabog ng Taal. Kabilang na rito ang 2,700 ektarya ng sakahan at 2,000 hayop.
- Latest