^

Bansa

Mga isdang galing sa Taal, bawal kainin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mga isdang galing sa Taal, bawal kainin
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, maaaring ma-food poison ang makakakain ng isda na kontaminado ng mga volcanic materials lalo na ng sulfur o asupre.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines – Ipinagbabawal muna ng Department of Health (DOH) ang pagkain ng isdang galing sa Taal Lake.

Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, maaaring ma-food poison ang makakakain ng isda na kontaminado ng mga volcanic materials lalo na ng sulfur o asupre.

Sa ngayon aniya ay hindi ligtas kainin ang mga isdang galing sa Taal lalo na kung patay na itong nakuha sa lawa dahil sa mga posibleng nakain na masama sa kalusugan ng tao.

“Talagang ipinagbawal na. Mayroon na tayong mga advisory na lahat ng galing diyan sa Taal, Batangas dapat wala ng bibili kasi hindi natin maa­sahan yung safety ng mamamayan,” ani Laxamana.

Kabilang aniya sa mga sintomas ng mga nakakain ng kontaminadong isda galing sa Taal Lake ay ang pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka na kailangang magamot kaagad.

 

FISH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with