^

Bansa

'Grant dapat': Pautang sa nasalanta ng Bulkang Taal binatikos ng mambabatas

Philstar.com
'Grant dapat': Pautang sa nasalanta ng Bulkang Taal binatikos ng mambabatas
"Nawala na nga sa kanila ang lahat, pagbabayarin pa?"
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang solon sa pamahalaan na pigilan na ang planong magbigay ng pautang sa mga magsasaka't mangingisdang apektado ng mga kasalukuyang aktibidad ng Bulkang Taal.

Lunes nang ibalita ni Finance Secretary Carlos Domingez III na planong magbigay ng Department of Agriculture ng zero at low-interest emergency loans kaugnay ng Taal eruption.

Pero paniwala ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, bagong sakit ng ulo lang 'yan kaysa makatulong.

"Dear [DA], huwag na kayong magbigay ng loan sa mga magsasakang nawalan na ng lahat dahil sa pagsabog ng Taal Volcano. Dapat diretsong grant na walang repayment provisyon," sabi ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun sa Inggles.

"Nawala na nga sa kanila ang lahat, pagbabayarin pa?"

Ani Fortun, sapat na raw dapat ang buwis na binabayaran ng mamamamayan para magbigay ng tulong sa mga nasalantang kababayan.

Hindi rin daw makababalik ang mga napaalis na magsasaka't mangingisda sa volcano island kung kaya't dapat daw matulungan silang mag-relocate sa abot-kayang halaga.

"Naniniwala akong kaya ng gobyerno na magpatupad ng pabahay at pagpapamahagi ng sakahan at zero interest at hindi na magbigay ng low-installment payment arrangments," dagdag niya.

Sa pananaw ng solon, patas nang kasunduan ang P1,000 kada buwan.

Maaari rin daw ilipat ang ilan sa mga fishing towns ng Laguna de Bay, at bigyan ng housing payments na nagkakahalaga ng P300 hanggang P500 kada buwan.

"Pakilusin natin ang buwis para balikatin ang mga bayarin. Hindi ito free ride o limos. Tulong ito para makatayo sila sa sariling paa at makapagsimula sila ng bagong buhay," kanyang panapos.

Ipinangako naman nina Dominguez na "gagawin ng gobyerno ang lahat para makabangon sila sa sakuna sa pinakamabilis na paraan."

Sa estima ng Department of Finance, aabot sa 1% hanggang 2% ng gross domestic product ng Pilipinas ang nawawala dahil sa mga natural disasters taun-taon, lalo na ang mga bagyo.

Dagdag ni Dominguez, naglagay na rin ang gobyerno ng catastrophy bond at issuance na maaaring ma-trigger ng isang "1-in-19 year earthquake" na maaaring magmula sa pagsabog ng Taal.

"Pinagsisikapan din natin ang isang natural catastrophe cover para sa ating stratehically important assets gaya ng mga paaralan, kalsada at tulay na proproteka sa kanila mula sa mga tsunami, volcanic eruptions, bagyo, lindol at daluyong," ani Dominguez sa PNA.

Kasalukyang dumaranas ng kaliwa't kanang lindol at ashfall ang ilang lugar ngayon sa Calabarzon, Gitnang Luzon at Metro Manila bunsod ng aktibidad ng Taal.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 ang bulkan, na nangangahulugang maaaring maganap ang isang "hazardous erruption" sa mga susunod na araw.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF FINANCE

GRANT

LAWRENCE FORTUN

LOAN

TAAL VOLCANO

TAAL VOLCANO ERUPTION 2020

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with