^

Bansa

P1.5 milyong halaga ng N95 masks, eyedrops, ibibigay ng DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapada na ang  Depart­ment of Health (DOH) ng mga protection kits tulad ng N95 masks at eyedrops sa mga resi­denteng naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, magsu-supply ang DOH ng mga pro­tection kits na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa rehiyon ng CALABARZON.

Sinabi pa ni Domingo na makikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga municipal and city health officers sa mga lugar na mataas ang panganib para ipamahagi ang mga kagamitan.

Aniya, prayoridad ng DOH ang CALABARZON dahil ito ang mga lugar na may mataas ang panganib.

Kahapon ay dinagsa ng ma­raming tao ang Bambang St. sa Sta. Cruz, May­nila upang bumili ng N95 mask at protektahan ang kanilang mga sarili sa mapanganib na epekto ng ashfall sa lugar.

Kilala ang Bambang sa ka­nilang mga medical supplies at equipment ngunit napabalitang bumaba ang supply ng ilang tindahan ng N95 mask at sa ngayon ay ordinaryong face mask na lang ang ibinibenta ng mga ito.

Batay sa  Metro Manila Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council, nakaranas ng ashfall ang  lugar ng Cavite, Batangas, Rizal, Northwestern­ portion ng Quezon, Metro Ma­nila, Bulacan, Pampanga, Ba­taan, Tarlac, Nueva Ecija, Eastern­ portion ng Pangasinan, at Southeastern portion ng Zambales.

 

N95 MASKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with