MANILA, Philippines — Hindi lang bulkan ngunit maging ang suplay at presyo ng pagkain ay hindi na rin mapakali sa gitna ng mga aktibidad ng Taal ngayong araw.
Umabot na sa P10 kada kilo ang isinirit ng isdang tilapia mula Batangas sa mga pamilihan bunsod ng mga pagsabog.
Tumaas ng P10 ang presyo ng ilang tilapia galing Batangas sa ilang pamilihan. Bawas na kasi ang na-deliver na suplay dulot ng pag aalburoto ng Taal Volcano. May iba pa namang tilapia na galing Pampanga na pwedeng bilihin.@News5AKSYON @onenewsph pic.twitter.com/PlkRkVDHPB
— Shyla Francisco (@ShylaFrancisco) January 13, 2020
Idinulot daw ito ng pagkabawas ng delivery ng mga suplay mula sa mga bayan ng Talisay at Agoncillo. Nangyayari ito kasabay ng idineklarang "state of calamity" sa buong probinsya ng Batangas.
Hindi tuloy maiwasang umaray ng ilang nagnenegosyo tuloy mula sa Taal.
"[L]uging-lugi tilapia farm namin sa taal, awit =(," sabi ng Twitter user na si @Laurezek, Lunes ng madaling araw.
luging lugi tilapia farm namin sa taal awit =(
— Laureen (@Laurezek) January 12, 2020
Ang iba naman, imbis na lumikas ay sinikap muna na masakip ang mga tilapia sa kani-kanilang mga palaisdaan.
"[P]umuputok na ['y]ung bulkan tas alert level 4 pa, keep safe every one... may mga kamag-anak ako na malapit sa taal Volcano, h[i]ndi sila naalis dun kase hina-harvest pa nila ['y]ung mga tilapia," sabi naman ng isang @rejmrnda_.
Then look, its happening rn, pumuputok na ung bulkan tas alert level 4 pa, keep safe everyone. And may mga kamag anak ako na malapit sa Taal Volcano, hndi sila naalis dun kase hinaharvest pa nila ung mga tilapia
— rejkirsten (@rejmrnda_) January 12, 2020
Sa kabila nito, sinabi ng Department of Agriculture na may sapat namang suplay ng naturang isda na maaaring kunin mula sa Pampangga at Bataan.
Hunyo 2019 nang mawala ang aabot sa P42.9 milyong halaga ng tilapia (605 metric tons) sa Taal Lake bunsod ng isang fish kill.
Bukod sa tilapia, tahanan din ang nasabing lawa para sa isdang tawilis, isang endangered freshwater sardine na doon lamang matatagpuan. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5