^

Bansa

Presyo ng tilapia damay sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal

Philstar.com
Presyo ng tilapia damay sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal
Umabot na sa P10 kada kilo ang isinirit ng isdang tilapia mula Batangas sa mga pamilihan bunsod ng mga pagsabog.
News5/Shyla Francisco

MANILA, Philippines — Hindi lang bulkan ngunit maging ang suplay at presyo ng pagkain ay hindi na rin mapakali sa gitna ng mga aktibidad ng Taal ngayong araw.

Umabot na sa P10 kada kilo ang isinirit ng isdang tilapia mula Batangas sa mga pamilihan bunsod ng mga pagsabog.

Idinulot daw ito ng pagkabawas ng delivery ng mga suplay mula sa mga bayan ng Talisay at Agoncillo. Nangyayari ito kasabay ng idineklarang "state of calamity" sa buong probinsya ng Batangas. 

Hindi tuloy maiwasang umaray ng ilang nagnenegosyo tuloy mula sa Taal.

"[L]uging-lugi tilapia farm namin sa taal, awit =(," sabi ng Twitter user na si @Laurezek, Lunes ng madaling araw.

Ang iba naman, imbis na lumikas ay sinikap muna na masakip ang mga tilapia sa kani-kanilang mga palaisdaan.

"[P]umuputok na ['y]ung bulkan tas alert level 4 pa, keep safe every one... may mga kamag-anak ako na malapit sa taal Volcano, h[i]ndi sila naalis dun kase hina-harvest pa nila ['y]ung mga tilapia," sabi naman ng isang @rejmrnda_.

Sa kabila nito, sinabi ng Department of Agriculture na may sapat namang suplay ng naturang isda na maaaring kunin mula sa Pampangga at Bataan.

Hunyo 2019 nang mawala ang aabot sa P42.9 milyong halaga ng tilapia (605 metric tons) sa Taal Lake bunsod ng isang fish kill.

Bukod sa tilapia, tahanan din ang nasabing lawa para sa isdang tawilis, isang endangered freshwater sardine na doon lamang matatagpuan. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

PRICE

TAAL

TILAPIA

VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with