Iran umaming nagpabagsak sa Ukrainian aircraft
MANILA, Philippines — Inamin kahapon ng militar ng Iran na human error at hindi sinasadyang pinaputukan at pinabagsak ang isang eroplanong Ukrainian na inakalang kalaban dahil lumilipad ito malapit sa isang sensitibong military site ng elite Revolutionary Guards.
Gayunman, sinabi ng Iranian military na papanagutin nila ang mga may kagagawan sa insidente at idudulog sa judicial department ng militar.
Sinabi pa ng Iran na unintentional” ang pagpapabagsak ng Ukrainian jetliner Boeing 737 kung saan namatay lahat ng 176 na sakay ng eroplano.
Ginawa ng Iran ang pag-amin sa kabila ng mga naunang pagtanggi sa mga akusasyon na sinadyang pabagsakin ang Ukrainian jetliner.
Pinabagsak ang eroplano noong Miyerkules ilang oras matapos ang missile attack ng Iran sa dalawang base ng Amerika sa Iraq kung saan wala namang naiulat na namatay.
Nauna rito, pinatay ng Amerika si Iranian Gen. Qassem Soleimani sa ginawang airstrike sa Baghdad.
Ayon sa inilabas na pahayag ng state media, napagkamalan ang eroplano na kalaban habang papalapit sa isang sensitibong “military Revolutionary Guard.
Dahil din umano mataas na tensiyon sa Amerika kaya nagkaroon ng “human error” at hindi sinasadyang napabagsak ang eroplano.
Humingi rin ng paumanhin ang Iran at sinabing papanagutin ang nagpabagsak sa eroplano.
Ayon sa report, sakay ng eroplano ang 167 pasahero at siyam na crews. Kabilang sa mga pasahero ang 82 Iranians, 57 Canadians at 11 Ukrainians.
Nauna nang iginiit ng Amerika at Canada na sinadya ang pagbagsak ng eroplano.
- Latest