^

Bansa

PNP may persons of interest na sa pagpatay at pagsunog sa ex-solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mayroon nang persons of interest na sinisilip ang Philippine National Police kaugnay ng pagpatay at pagsunog sa bangkay ni dating 2nd District Batangas Rep. Edgar Mendoza at dalawang iba pa na natagpuan sa Tiaong, Quezon kamakalawa.

Sinabi ni PNP  Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac na isa dito ay ang ka-meeting ni Mendoza sa Calamba City, Laguna bago ito pinaslang.

Inihayag ni Banac na bumuo na si CALABARZON Police Director Police Brig. Gen. Vicente Danao ng Special Investigation Task Group (SITG) upang mapabilis ang pagresolba sa krimen.

 “Ang ginagawa natin, nagba-backtracking kung sino ang kakausapin niya sana. Marahil doon makakuha tayo ng information para matukoy ang mga suspect),” pahayag ni Banac.

 “Ang nais malaman, sino ‘yung kakausapin sana sa Calamba dahil natukoy natin na noong umalis siya ng 10 a.m. sa kanilang bahay, mayroon siyang ka-meeting. Hindi lang natin matukoy kung bakit sa Quezon natagpuan,”  anang opisyal.

Sinabi ni Banac na malaki ang posibilidad na pinatay muna ang mga biktima bago sinunog ang bangkay sa loob ng behikulo.

Nitong Huwebes ay natagpuan ang sunog na katawan ng mga biktima na halos hindi na makilala sa loob ng Honda Civic (DAN 6374) ni Mendoza sa Brgy. San Francisco, Tiaong, Quezon.

Nabatid na nang umalis sa kanilang bahay sa Batangas ay kasama ng 68-anyos na dating mambabatas ang driver nitong si Ruel Ruiz at bodyguard na si Nicanor Mendoza para umano dumalo sa pagpupulong sa Calamba City.

 

vuukle comment

SOLON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with