MANILA, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas para sa salary increase ng mga government workers.
Nakapaloob sa Salary Standardization Law of 2019 ang pagtaas ng basic salary Grade 1 ng government employee sa P13,000 mula sa dating P11,068.
Sa ilalim ng SSL 5 ay 4 tranches ang ipapatupad na salary increase mula 2020 hanggang 2023.
Nasa 1.4 milyong kawani ng gobyerno kabilang ang mga guro at nurses ang makikinabang sa bagong batas.
Magsisimula ang unang bugso ng dagdag pasahod ngayong buwan ng Enero.
Nasa P130.45 bilyon ang pondong inilaan para sa implementasyon ng SSL 5.
Sa ngayon, ang pinaka mababang salary grade level employee na nakakatanggap ng P11,068 kada buwan ay magiging P11,551 sa 2020; P12,034 sa 2021; P12,517 sa 2022, at P13,000 sa 2023.
Para sa Salary Grade 11 employees, na entry-level ng mga guro na may sahod na P20,754, gagawin itong P22,316 (2020), P23,877 (2021), P25,439 (2022), at P27,000 (2023).