^

Bansa

Sen. Go tinutukan ang fire victims

Pilipino Star Ngayon
Sen. Go tinutukan ang fire victims
Namahagi ng ayuda sina Sen. Bong Go at Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur kamakailan. Ayon kay Go, “ang go-byernong Duterte ay laging nariyan anumang oras at handa kayong alalayan sa inyong mga pinagdaraanan”.

Unang linggo ng 2020...

MANILA, Philippines — Imbes na samantalahin ang mahabang bakasyon at makapagpahinga kasama ang kanyang pamilya, mas minabuti ni Senador Bong Go na ilaan ang kanyang panahon o oras sa pagbisita at pagtulong sa mga residenteng sunud-sunod na nasunugan sa Metro Manila sa unang linggo ng taong 2020.

Matapos ang magkasunod na pagbisita ni Go sa mga nasunugan sa Pasay City at Tondo sa Maynila ay kaagad na pumunta siya sa Brgy. 833 Barangay Hall sa Pandacan sa Lungsod ng Maynila upang magbigay ng tulong sa 95 pamilya na nasunugan din na pansamantalang nananatili sa nasabing lugar.

Kapansin-pansin na inilaan ni Go ang unang linggo ng Bagong Taon o Taong 2020 sa pagbibigay ayuda sa mga nasunugan sa mga nabanggit na lugar.

Kahapon ay may nakaiskedyul na pagbisita ang senador sa dalawa pang komunidad.

Ang paliwanag niya ay regular niyang binibisita ang mga nasunugan at biktima ng kalamidad upang pakinggan ang karaingan ng mga ito at magbigay ng solusyon sa kanilang pang-araw-araw na pakikibaka.

Namigay si Go ng pagkain, grocery at cash assistance sa mga pamilya habang makatatanggap naman ng new set ng school uniform at school supplies ang mga estudyante upang kaagad na makabalik ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

Nag-alok din si Go na bayaran ang pasahe ng mga nagnanais na umuwi sa kanilang lalawigan upang magsimula ng bagong buhay.

PANDACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with