World War 3 nag-trending

Matapos ang US strike

MANILA, Philippines — Matapos ang gina­wang pag-atake ng Ame­rika sa Iraq kung saan napatay sa airstrike si Islamic Revolutionary Guard Corps Major General Qasem Soleimani, nag-trending sa social media ang #WorldWarThree, #WWIII. 

May mga netizens na ginawang biro ang posibleng pagsisimula ng ikatlong digmaang pandaigdig dahil sa pag-atake samantalang ang iba naman ay nagpahayag ng pa­ngamba.

Bukod sa #WordWarThree, nag-trending din ang #IranWar at #TrumpsWar.

May mga netizens din at opisyal ng Amerika ang kumondena kay US Pres. Donald Trump dahil sa pag-atake ng walang pahintulot ng Kongreso.

Napaulat na nangako ang supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei na ipaghihiganti ang pagkamatay ni Soleimani habang libo-libong galit na Iranians ang nag-rally matapos ang pag-atake at isinisigaw ang “death to America.” 

Samantala, sa kanyang Twitter account ay nagpahayag ng pag-asa si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin na hindi bubuwelta ang Iran sa Amerika.

Show comments