World War 3 nag-trending
Matapos ang US strike
MANILA, Philippines — Matapos ang ginawang pag-atake ng Amerika sa Iraq kung saan napatay sa airstrike si Islamic Revolutionary Guard Corps Major General Qasem Soleimani, nag-trending sa social media ang #WorldWarThree, #WWIII.
May mga netizens na ginawang biro ang posibleng pagsisimula ng ikatlong digmaang pandaigdig dahil sa pag-atake samantalang ang iba naman ay nagpahayag ng pangamba.
Bukod sa #WordWarThree, nag-trending din ang #IranWar at #TrumpsWar.
May mga netizens din at opisyal ng Amerika ang kumondena kay US Pres. Donald Trump dahil sa pag-atake ng walang pahintulot ng Kongreso.
Napaulat na nangako ang supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei na ipaghihiganti ang pagkamatay ni Soleimani habang libo-libong galit na Iranians ang nag-rally matapos ang pag-atake at isinisigaw ang “death to America.”
Samantala, sa kanyang Twitter account ay nagpahayag ng pag-asa si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin na hindi bubuwelta ang Iran sa Amerika.
- Latest