^

Bansa

Grupo inisa-isa ang mga 'mapang-aping probisyon' ng Kaliwa Dam kay Panelo

James Relativo - Philstar.com
Grupo inisa-isa ang mga 'mapang-aping probisyon' ng Kaliwa Dam kay Panelo
"[D]apat pinag-aralan ni Panelo ang mga naturang onerous provisions sa China-funded Kaliwa dam project, lalo na't isiniwalat na namin ito noong maagang yugto ng 2019. Kaya nga ito isinapubliko ng Department of Finance," ani Zarate sa Inggles.
dof.gov.ph

MANILA, Philippines — Muling idinetalye ng grupong Bayan Muna party-list ang iba't ibang "mapang-api" at "maka-isang panig" na probisyon ng Kaliwa Dam project na nais pasukan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang bansang Tsina, na magpapautang para maipatayo ito.

Ito ang ipinabatid ni Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna) kay presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag, Biyernes, matapos ang ibinabang hamon kahapon ng tagapagsalita na ipaliwanag kung anu-anong probisyon ang ikalulugi ang ng Pilipinas.

"[D]apat pinag-aralan ni Panelo ang mga naturang onerous provisions sa China-funded Kaliwa dam project, lalo na't isiniwalat na namin ito noong maagang yugto ng 2019. Kaya nga ito isinapubliko ng Department of Finance," ani Zarate sa Inggles.

Ilan sa mga probisyong kanilang tinutukoy ay ang:

  • Article 5.7 - napagkaisahan dito na ang Pilipinas at anumang ari-arian nito, maliban na lang kung ipinagbabawal ng batas, ay walang "immunity" sa grounds ng sovereign o anumang ligal na proseso
  • Article 8.1 - isinusuko ng Pilipinas ang anumang immunity sa grounds ng soberanya
  • Article 8.4 - sinasabi na papatnubayan ang kasuduan ng batas ng Tsina
  • Article 8.5 - oras na magkaroon ng 'di pagkakasundo ng Tsina at Pilipinas sa agreement, Hong Kong International Arbitration Center (na nasa Tsina) ang siyang magsasagawa ng arbitration
  • Article 8.9 - ang mga terms, kondisyones at standard ng fees ng pautang ng Tsina ay mananatiling "confidential"

Ika-9 ng Mayo nang maghain ang Makabayan Bloc ng petisyon sa Korte Suprema na kumekwestyon sa nasabing loan agreement, bagay na sana'y mabasa man lang raw ni Panelo.

Ang proyektong gagawin sa Rizal at Quezon ay sasagasa sa kabahayan ng halos 56 katutubo at maglalagay sa 284 tribal households sa posibilidad ng pagbaha, ayon sa Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources.

Nitong Lunes, muling itinulak ni Digong ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam bilang "last resort" para mapa-stable ang pinagkukunang suplay ng tubig ng Metro Manila.

"Uutusan ko sila na ituloy na at babayaran natin ang mga katutubo para ilipat sila ng tirahan," sabi ni Duterte sa Inggles sa isang talumpati sa Digos City.

"Itong mga nakatira dito, siyempre, katutubo silang lahat. Sinusubukan nilang maantala ang proyekto pero kailangan natin ng tubig sa Maynila."

Matatandaang sinabi ng National Water Resources Board at Metropolitan Waterworks and Sewerage System noong Nobyembre na maaaring magpatuloy ang water service interruption sa Kamaynilaan hanggang Marso 2020 kung hindi pa rin ma-"replenish" ang suplay ng tubig sa mga dam gaya ng Angat.

Shortage kaya tugunan kahit wala ang proyekto?

Sa kabila ng diumano'y problema sa pagkukunan ng tubig, may iminungkahi naman ang grupo sa pamahalaan na maaari raw gawing alternatibo upang hindi na magtayo ng dam malapit sa fault line, magpaalis ng katutubo at makasira ng kalikasan.

"Unang una, kailangang bawasan ng Manila Water at Maynilad ang kanilang water systems loss dahil bilyun-bilyong galon ng tubig ang nasasayang araw-araw dahil sa mga tagas sa existing distribution infrfastructure," wika ni Zarate.

Ayon daw mismo sa MWSS, nasa 11% ang "non-revenue water" loss ng Manila Water habang nasa 39% naman naman ang sa Maynilad.

"Nasa 176 milyong litro ng tubig 'yon araw-araw para sa Manila Water at nasa 1,001 milyong litro ng tubig kada araw para sa Maynila. 1,177 MLD na 'yon," banggit ng Bayan Muna tungkol sa pag-aaral na isinagawa ng consumer group na Water for the People Network.

Kung matatapyasan lang daw ng kalahati ng NRW (tubig na nawawala bago umabot sa customer), sapat na raw ito para madagdagan ng 588 million liters per day — malapit na sa 600 MLD na ipinangakong projected capacity ng P12.2 bilyong Kaliwa dam.

Kaliwa Dam project pwedeng ipasilip ni Digong

Samantala, hindi pa naman isinasara ng Palasyo na muling maipasilip ang Kaliwa Dam project upang malaman kung lugi nga ba ang Pilipinas sa pagpasok dito.

"Eh kung makita ni presidenteng one-sided, eh 'di pareho rin noong sa water [Maynilad at Manila Water]. Oh 'di ba, ayaw niya ng onerous provisions?" wika ni Panelo kahapon.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Malacañang na posibleng natantya na ng mga nag-draft ng proyekto kung totoong onerous ito.

"Since inaprubahan nila 'yan, sa palagay ko nagkaroon na ng checking diyan kung disadvantageous nga oh hindi," dagdag niya.

BAYAN MUNA

CARLOS ZARATE

KALIWA DAM

RODRIGO DUTERTE

SHORTAGE

WATER SUPPLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with