MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng isang lider ng Kamara ang Department of Finance (DOF) na ipatupad ang safety net provisions ng Tax Reform of Acceleration and Inclusion (TRAIN).
Ginawa ni House Deputy Speaker Michael Romero ng 1-Pacman partylist ang pahayag dahil sa inaasahang pagpapatupad ng third tranche ng excise tax para sa mga produktong gasolina sa susunod na taon.
Ang TRAIN LAW ay nagtaas ng excise tax sa gasolina ng P2.50 kada litro epektibo noong Enero 1,2018, P2 kada litro sa Enero ng sumunod na taon at P1.50 kada litro sa 2020.
Sa ilalim ng batas, inaasahan na, sa Enero 1, 2020, ang gasolina ay magtataas ng P3.50 kada litro na may kabuuang P6.
Inaasahan na magbibigay ang TRAIN law ng 30 porsiyento na dagdag kita para sa iba’t-ibang programa ng gobyerno tulad ng unconditional cast transfers (UCT), fuel vouchers at rice subsidies.
Bukod sa gasolina, magtataas din ang excise tax sa tobacco, automobiles , mineral, documentary stamps at sugar sweetened beverages.