DENR nagpaalala sa lilikhaing basura sa pagpasok ng bagong taon
MANILA, Philippines — Hinimok ni Environment Secretary Roy A. Cimatu ang mga Pilipino na tumulong bawasan ang negatibong epekto ng holiday season sa kapaligiran laluna sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni Cimatu na bagama’t ang panahong ito ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon, hindi ito sang-ayon para sa kapaligiran dahil sa dulot nitong tambak na basura mula sa maraming mga patitipon.
Unang sinabi ni Cimatu na ang basurang nalikha sa Metro Manila sa unang kalahating bahagi ng 2019 na umabot na sa mahigit 66,000 cubic meters ay lampas na sa annual target na 58,112.31 cubic meters.
Inirekomenda ni Cimatu ang pag-iwas sa paggamit ng mga paputok na may malaking pinsala sa kapaligiran at sa mga tao.
Sa mga salu-salo, mainam anya ang paggamit ng mga plato at kubyertos na nahuhugasan sa halip na paper plates, at plastic cups, spoons at forks at para maiwasan ang sobrang pagkain, bumili o magluto lamang ng sapat at siguraduhin na mas marami ang gulay kaysa karne.
Sinabi ni Cimatu na ang karne ay may mas mataas na carbon footprint per calorie kung ikukumpara sa grain o vegetable products.
- Latest