Lambanog samples positibo sa high level methanol

Ayon sa Food and Drugs Administration, ang mga ito ay nakolekta sa tatlong tindahan sa lugar kung saan naitala ang pagkamatay ng 15 katao dahil sa pag-inom ng lambanog.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa methanol toxic level ang limang sample ng lambanog mula sa Laguna.

Ayon sa Food and Drugs Administration (FDA), ang mga ito ay nakolekta sa tatlong tindahan sa lugar kung saan naitala ang pagkamatay ng 15 katao dahil sa pag-inom ng lambanog.

Paliwanag ni FDA officer-in-charge at Health Undersecretary Eric Domingo, mataas na lebel ng methanol ang nakita sa mga samples.

Aniya, matatagpuan ang mababang lebel ng methanol sa mga alak kung ito ay byproducts ng natural fermentation.

Dahil dito, hinikayat ng ahensya na tanging mga produktong nakarehistro sa FDA ang kainin para masiguro ang kaligtasan.

Show comments