MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni US President Donald ang budget ng Estados Unidos para sa taong 2020 — kasama riyan ang pondong gagamitin para pagbawang makapasok ng bansa nila ang mga responsable sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima.
Ang lahat ng 'yan, kasama sa mga isinaad sa Senate Bill 2583:
"The Secretary of State shall apply subsection (c) to foreign government officials about whom the Secretary has credible information have been involved in the wrongful imprisonment of:... (2) Senator Leila de Lima whp was arrested in the Philippines in 2017."
Aniya, may kinalaman daw ito sa implementasyon ng Global Magnitsky Human Rights Accountability Act, na nagpapataw ng "sanctions" sa mga banyagang may direkta at indirect involvement sa "significant corruption" o "gross violations of human rights."
"Not later than 60 days after enactment of the act, and following consultation with the appropriate congressional committees, the Secretatry of State shall submit to such committees a plan to improve the coordination of such efforts, including to ensure the Departments will jointly develop and implement sanctions, as appropriate."
Kasama raw sa ituturing nilang paglabag sa karapatang pantao ang hindi makatarungang pagkulong ng mga mamamayang Amerikano.
Matatandaang ipinakulong si De Lima dahil sa diumano'y pagkakasangkot sa paglaganap ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.
Pagbabawalan sa US sinu-sino?
Una nang tinukoy ni De Lima sa isang pahayag noong Oktubre ang listahan ng mga personaheng responsable sa kanyang pagkakaaresto.
Kasama riyan sina:
- Pangulong Rodrigo Duterte
- presidential spokesperson Salvador Panelo
- dating House Speaker Pantaleon Alvarez
- dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre
- Solicitor General Jose Calida
- Public Attorney's Office chief Persida Acosta
- Sandra Cam
- Dante Jimenez
- Rep. Rey Umali
- Rep. Rudy Fariñas
Ilan pa riyan ang mga social media personalities gaya nina:
- Mocha Uson
- Sass Rogando Sasot
- RJ Nieto
- iba pang "DDS trolls"
Nagsalita na rin si Panelo tungkol sa paglagda ni Trump sa nasabing panukalang batas.
"Hindi pwedeng ituring na 'wrongful detention 'yon'," sabi niya sa isang pahayag sa Inggles, Lunes.
Panelo on signing of spending bill that included a provision that bans the entry of those involved in the detention of Sen. de Lima into the US: It cannot be a wrongful detention @PhilippineStar @PhilstarNews
— Alexis B. Romero (@alexisbromero) December 23, 2019
Maliban sa mga nagkulong kay De Lima, sinabi rin nito na pagbabawalan din makapasok sa Amerika ang mga responsable sa pagkakakulong ni Mustafa Kassem, isang American citizen na ikinulong ng Gobyerno ng Egypt.
Sinasabing lumalala na ang lagay ng kalusugan ni Kassem. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero