^

Bansa

2 katao unang biktima ng paputok naitala

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 katao unang biktima ng paputok naitala
Isa sa kanila ay nabiktima ng kuwitis ngunit hindi tukoy kung ano ang uri ng fireworks na nakasugat sa isa pa.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dalawa na ang naitalang biktima ng paputok sa bansa, kaugnay nang nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bansa.

Sa inilabas na Fireworks-Related Injuries (FWRI) ng Department of Health, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 22, dalawa katao na ang naitala nilang nasugatan dahil sa paputok. 

Kabilang umano sa kanila ay isang 4-taong gulang na batang babae mula sa Region 2, na iniulat ng Southern Isabela Medical Center at isang 23-taong gulang na lalaki, na mula sa National Capital Region (NCR) at iniulat naman ng Philippine General Hospital (PGH).

Isa sa kanila ay nabiktima ng kuwitis ngunit hindi tukoy kung ano ang uri ng fireworks na nakasugat sa isa pa.

Kapwa nasa maayos na ang mga biktima na nagtamo lamang ng burn injury without amputation.

Nabigyan na rin ng karampatang lunas ang mga biktima, gaya ng bakuna, at kaagad ding pinayagang makauwi sa kani-kanilang tahanan.

Sinabi naman ng DOH, na mas mababa ang naturang bilang na 67%, kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2018 na umabot ng anim na kaso.

Kaugnay nito, iniulat ng DOH na wala pa silang naitalang anumang kaso ng fireworks ingestion at stray bullet, at wala pa ring iniuulat na nasawi dahil sa paputok.

FIREWORKS

KUWITIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with