MANILA, Philippines — Nais amyendahan ni Sen. Panfilo Lacson ang National Building Code kasunod ng mga lindol sa Mindanao.
Naghain ng Senate Bill 1239 si Sen. Lacson upang palakasin ang building safety standards sa bansa upang protektahan ang publiko mula sa epekto ng natural at man-made disasters.
“Experience tells us that there is an urgent need to strengthen the overall policy on how buildings and structures are built in the country,” wika ni Lacson sa explanatory note ng bill.
Noong nakaraang linggo ay niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang Davao del Sur.