MANILA, Philippines — Mahigit 100 kongresista ang nanawagan para muling ibalik ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng komunistang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, may 131 kongresista mula sa iba’t ibang partido ang lumagda sa House Resolution 636.
Giit ni Zarate na ang nasabing resolusyon ay nagbibigay umano ng malakas na mensahe mula sa mga miyembro ng mababang kapulungan para sa pagsusulong ng peace process bilang paraan para matapos na ang ugat ng limang dekadang rebelyon.
Isinaad sa resolusyon na ang progreso ng peace talks sa mga nagdaang panahon ay nakabase sa nilagdaang kasunduan tulad ng sa Hague Declaration, Joint Agreement o Safety and Immunity Guarantees at sa Comprehensive Agreement on the Respect.