MANILA, Philippines — Ipinagbunyi ng marami ang ibinabang "guilty" verdict ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 sa mga principal accused na sina Datu Andal "Unsay" Ampatuan Jr., Datu Zaldy "Puti" Ampatuan at iba pa para sa 57 counts ng murder kaugnay ng Maguindanao massacre noong ika-23 ng Nobyembre, 2009.
(BASAHIN: Kabuuang teksto ng hatol sa Maguindanao massacre)
Pero ngayong inilabas na ang hatol, may mga tanong tuloy ang marami: Bakit nga ba 57 lang ang ang bilang ng murder cases na kasama sa masaker gayong 58 ang bilang ng sinasabing napatay?
Maaaring hatiin sa tatlo ang 58 na napatay sa malagim na trahedya: (1) mga kapamilya't tagasuporta ng noo'y gubernatorial candidate na si Esmael "Toto" Mangudadatu, (2) mga miyembro ng media at (3) iba pang hindi talaga kasama ng convoy na patungo sana sa filing ng certificate of candidacy ni Mangudadatu.
Karibal sa politika noon ni Mangudadatu ang mga Ampatuan.
Kamag-anak at supporters ni Mangudadatu:
- Abdul, Raida
- Ante, Rowena
- Ayada, Abdillah
- Balayman, Lailani
- Balayman, Pinky
- Bernan, Surayda
- Brizuela, Concepcion
- Calimbol, Meriam
- Daud, Razul
- Demillo, Eugene
- Edza, Norton
- Hassan, Bai Farinah
- Kalim, Wahida
- Mangudadatu, Bai Eden
- Mangudadatu, Bai Genalin
- Mangudadatu, Mamotabai
- Oquendo, Catalino Jr.
- Oquendo, Cynthia
- Palawan, Rahima
- Sabdullah, Faridah
Biktima mula sa media:
- Adolfo, Bengie
- Araneta, Henry
- Areola, Mac Delbert
- Bataluna, Rubello
- Betia, Arturo
- Cabillo, Romeo Jimmy
- Cablitas, Maries
- Cachuela, Hannibal
- Cadagdagon, Jephon
- Caniban, John
- Dalmacio, Eleonor
- Dacenam Noel
- Dela Cruz, Gina
- Duhay, Jose
- Evardo, Jolito
- Gatchalian, Santos Jr.
- Legarta, Bienvenido
- Lupogan, Lindo
- Maravilla, Ernesto Jr.
- Merisco, Rey
- *Momay, Reynaldo
- Montaño, Marife
- Morales, Rosell
- Nuñez, Victor
- Parcon, Joel
- Perante, Ronnie
- Razon, Fernando
- Reblando, Alejandro
- Salaysay, Napoleon
- Subang, Francisco Jr.
- Teodoro, Andres
- Tiamzon, Daniel
Ang katawan ni Momay ay hindi pa rin natatagpuan magpahanggang sa ngayon.
'Yan ay kahit na may mga tumestigong nakita nila si Momay, isang photojournalist ng Midland Review, kasama sa convoy ng mga journalists patungong Shariff Aguak kasama ang mga Mangudadatu.
Narito naman ang mga napatay na hindi parte ng convoy:
- Delos Reyes, Daryll Vicent
- Lechonsito, Cecille
- Lechonsito, Eduardo
- Palabrica, Mercy
- Palabrica, Wilhem
- Ridao, Anthony
Dahilan ng korte sa pag-'exclude' kay Momay
Sa 761 pahinang hatol na inilabas ngayong Huwebes ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, sinabing ibinasura ang mga kasong kaugnay ni Momay dahil sa iba't ibang kadahilanan.
Tanging pustiso na lamang daw kasi ang nakitang bagay na iniuugnay kay Momay — walang katawan.
"The court finds that the probative value of the denture does not lead to the aforesaid conclusions."
Maliban dito, bigo rin daw ang prosekusyon na patunayang pinagmamay-arian ito ng nasabing photographer.
"The testimony of his live-in partner, Marivic Bilbao, that she cleaned the denture everyday for six (6) years since 2003, which capacitated her to know that the same belonged to Momay, is an implausible narrative. Who would ever clean everyday the denture of a loved one or live-in partner when the latter is not physically incapabile of cleaning it himself/herself?"
Sa palagay tuloy ng korte, maaaring sinabi na lang ito ni Bilbao upang makumbinsi ang mga dapat makumbinsi na kay Momay talaga ang pustiso: "Regrettably, the court is not convinced."
Para raw kilalanin ang testimonya, kinakailangan daw na manggaling ito sa kapani-paniwalang saksi at dapat kapanipaniwala't risonable rin ang testimonya.
Pagsapit ng alas-diyes ng umaga, ika-23 ng Nobyembre taong 2009, sinabi ng korte na hindi nakita kailanpaman si Momay.
Natagpuan ang mga katawan ng 57 iba pa sa Sitio Masalay.
"Whether Momay died or was missing after said date could not be ascertained as no evidence of his actual death was adduced. He has no cadaver and neither was his death certificate presented on record."
'Kulang na numero, kulang na hustisiya'
Dahil sa desisyon ng korte na hindi kilalanin ang kaso ng itinuturing na ika-58 na biktima, hindi na naitago ng mga naulila ni Momay ang kanilang pagkadismaya.
"Kailangan ko ng hustisiya para sa tatay ko. 'Pag 'di kumpleto ang numero, 'di kumpleto ang hustisiya," sabi ni Ma. Reynafe Castillo, na anak ni Momay, sa Ingles.
The message of Reynafe Momay, daughter of photojournalist Reynaldo Momay whose body was never found, was read: “I need justice for my dad. Pag di kumpleto ang numero di kumpleto ang hustisya.” @PhilstarNews #MaguindanaoMassacreVerdict
— Gaea Cabico (@gaeacabico) December 19, 2019
Bagama't makukulong nang hanggang 40 taon ang mga principal accused, sa palagay ni Castillo, mailap pa rin sa kanila ang hinihinging katarungan.
"Malungkot na araw para sa akin at aking pamilya," sabi niya sa Facebook.
"Hustisiya para kay itay! #58."