Hustisya sa Maguindanao massacre victims - Sen. Go

“Matagal na itong hustisyang hinihingi ng mga Maguindanao massacre victims. Panahon na para maibigay ito sa kanila. Managot ang dapat ma­nagot,” ani Go na nagsabing siya at si Pangulong Rodrigo Duterte ay naging instrumento para matunton ang lokasyon ng massacre site.
Geremy Pintolo/ File

MANILA, Philippines — Nanawagan ng hustisya si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go para sa mga biktima ng Maguindanao massacre na nakatakda ang promulgasyon ng Quezon City Regional Trial Court sa Metro Manila District Jail Annex 2 sa Taguig City matapos ang isang dekadang paglilitis. 

“Matagal na itong hustisyang hinihingi ng mga Maguindanao massacre victims. Panahon na para maibigay ito sa kanila. Managot ang dapat ma­nagot,” ani Go na nagsabing siya at si Pangulong Rodrigo Duterte ay naging instrumento para matunton ang lokasyon ng massacre site.

“Isa po kami ni Pa­ngulong Duterte sa na­ging instrumento du’n kaya maagang nadiskubre ‘yung karumal-dumal na krimen,” ang gunita ng senador matapos maka­panayam sa pagbisita niya sa leukemia patients sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.

Sa mga nakaraang interbyu, mismong si Ma­ngudadatu ang nagsabi na si Pangulong Duterte ay isa sa naunang public officials na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng masaker. 

Ang noo’y Davao City mayor din ang nagpahiram ng helicopter para mabilis na matunton ng mga awtoridad ang lugar kung saan ibinaon, sa pamamagitan ng backhoe, ang mga biktima. 

Dismayado si Go dahil sa makupad na galaw ng hustisya sa bansa.

Dahil dito, sinabi niya na sa mabagal na hustis­ya ay maraming Filipino na humihingi ng tulong sa Pangulo.

Umaasa ang senador na sa promulgasyon ngayong araw ay mahahatulan ang lahat ng sangkot sa krimen.

Show comments