^

Bansa

May mapapawalang-sala sa Maguindanao massacre case — ex-Ampatuan lawyer

Philstar.com
May mapapawalang-sala sa Maguindanao massacre case — ex-Ampatuan lawyer
"Hindi sapat para sa guilty verdict. Sa akin kasi, laging may reasonable doubt eh. Kung hindi mo kayang maikabit ang bala sa baril sa gunman, hindi ka mananalo sa murder case," sabi ni Fortun sa magkahalong Inggles at Filipino. 
AFP, File

MANILA, Philippines — Hindi kumbinsido ang dating abogado ng isa sa mga akusado sa Maguindanao massacre na makapaglalabas ng "guilty verdict" sa noo'y kliyente sa darating na Huwebes.

Ayon kay Raymond Fortun, na nagsilbing manananggol ni Datu Andal "Unsay" Ampatuan Jr. mula 2016 hanggang Hulyo 2019, posible pa ngang mapawalang-sala ang ilan sa 101 nililitis kaugnay ng pagkamatay ng 58 katao noong ika-23 ng Nobyembre, 2019.

Sa panayam ng CNN Philippines, ipinaliwanag niya kung bakit tila hindi sapat ang mga kasalukuyang ebidensyang magpapatunay sa mga paratang.

"Hindi sapat para sa guilty verdict. Sa akin kasi, laging may reasonable doubt eh. Kung hindi mo kayang maikabit ang bala sa baril sa gunman, hindi ka mananalo sa murder case," sabi ni Fortun sa magkahalong Inggles at Filipino. 

"Nakikita kong magkakaroon ng ilang acquittal... Hindi ko nakikita lahat na merong evidence of guilt."

Taliwas ang posisyon ni Fortun sa taya ni Manguindanao Rep. Esmael Mangudadatu, na kumpiyansang mahahatulang nagkasala ang mga Ampatuan.

Kasama sa mga napaslang noong 2009 ay 32 kawani ng media at mga miyembro ng pamilya Mangudadatu, na karibal noon ng mga Ampatuan sa 2010 elections.

Dati nang itinanggi ng pamilya ni Unsay na may kinalaman sila sa kaso.

Sa tagal ng itinakbo ng kaso, namatay na lang ang isa sa mga akusado na si Andal Ampatuan Sr. noong ika-17 ng Hulyo, 2015 dahil sa terminal liver cancer.

Nitong Oktubre 2019, namatay din sa loob ng kulungan ang dalawang iba pang suspek.

Hindi pa rin napasasakamay ng batas ang 80 iba pang akusado sa kaso.

'Walang ballistic tests'

Ayon pa kay Fortun, bigong maikunekta sa akusado ang mga bala't baril na natagpuan sa crime scene.

"Walang ballistic tests, walang tala na ang mga balang nakita sa katawan ng mga biktima ay nanggaling sa hand gun na ginamit ni Andal Jr.," wika pa ng abogado.

Pinasinungalingan naman ng star witness sa kaso ang mga binanggit ni Fortun.

"Nandoon ako noong nanyari ['yon]," sabi ni Sukarno Badal, na dating naging suspek.

"Si Attorney Fortun abogado lang 'yan, hindi niya nakita kung ano ang nangyari."

Noong Oktubre 2019, matatandaang itinanggi ni Badal ang alegasyon ni Andal Jr. na babawiin niya ang kanyang mga testimonya sa nasabing multiple murder case.

Si Badal ay dating bise alkalde ng Sultan sa Barongis, Maguindanao. — James Relativo

ANDAL AMPATUAN JR.

MAGUINDANAO MASSACRE

RAYMOND FORTUN

ZALDY AMPATUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with