Patay sa lindol sa Davao del Sur umakyat sa pito
MANILA, Philippines — Muling nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong patay bunsod ng nangyaring 6.9 magnitude na linol at mga aftershocks na nagsimula yumanig sa Kamindanaoan nitong Linggo.
Sa huling ulat na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council Martes ng umaga, pito na ang naitalang binawian ng buhay kaugnay ng insidente.
Ang mga pumanaw ay nagmula sa mga sumusunod na bayan:
- Matanao (1)
- Magsaysay (1)
- Hagonoy (1)
- Bansalan (1)
- Padada (3)
Isinugod naman sa iba't ibang ospital at health centers ang 86 kataong sugatan sa:
- Bansalan (5)
- Digos (35)
- Hagonoy (3)
- Kiblawan (1)
- Magsaysay (14)
- Matanao (4)
- Padada (24)
Samantala, umabot na sa 33 gusali ang labis na nawasak habang 57 naman ang bahagya lang napinsala.
Nasa 74 na kabahayan naman ang tuluyang nasira habang 125 na tirahan naman ang partially damaged.
Kasalukuyang nakalagay sa state of calamity ang munisipalidad ng Padada, Hagonoy matapos ang nga pangyayari. — James Relativo
- Latest