P200 bilyong forfeiture case vs Marcoses dinismis
MANILA, Philippines — Dahil sa kakulangan ng ebidensiya, ibinasura ng Sandiganbayan ang P200 bilyong forfeiture case laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, sa kanyang pamilya at iba pa..
Isinasaad sa 58 pahinang desisyon ng Special Fourth Division ng Anti-graft court na bigo ang government prosecutors na patunayan sa pamamagitan ng ebidensiya ang mga alegasyon laban kay Marcos, asawa nitong si Imelda, anak na sina Irene Marcos-Araneta, Ferdinand Marcos Jr. , at Constante Rubio kaya ito ibinasura.
Si Rubio ang itinuturong bagman umano ng mga Marcos sa mga transaksyon nito.
Nakasaad sa desisyon na bagamat kinikilala nito ang nangyaring “atrocities” noong Martial Law, kailangan umano na mapatunayan ang alegasyon sa pamamagitan ng mga ebidensya.
Nabatid na kasama sa nais na ipakumpiska ng Presidential Commission on Good Government ang bilyong bank deposits, milyong halaga ng real properties, at mga stocks sa iba’t-ibang kompanya.
Sinasabi ng PCGG na ang mag-asawang Marcos ay nagtago ng illegally-acquired wealth sa ilang banko sa Pilipinas at sa ibang bansa at sa ilang foundation. Ginamit din umano ng mga Marcos ang pondo sa pagbili ng mga real estate at shares of stocks.
Ayon pa sa PCGG, kabilang sa ill-gotten wealth ng mga Marcos ang deposits sa Security Bank and Trust (P976 million) at Traders Royal Bank (P711 million); 33 parcels ng residential properties na halagang P18 million at 21,700-hectare agricultural land sa Leyte na may estimated value na P33 million; deposits sa ilang banko sa United States na tinatayang $292 million; investments sa financial houses, industrial at mining corporations sa US na $98 million; at unvalued real properties sa Manhattan, Long Island at Fifth Avenue sa New York, isang penthouse sa London, residential houses sa Honolulu sa Hawaii, Beverly Hills sa California at Cedars sa Mississippi.
- Latest