Umento sa gobyerno pinagtibay
MANILA, Philippines — Lusot na sa House of Representatives Committee on Appropriations ang panukalang magdadagdag ng suweldo ng mga kawani ng gobyerno kabilang na dito ang mga guro at nurse.
Sa ilalim ng House Bill 5721, ang mga salary grade 1 employee ay makakatanggap ng P2,000 dagdag na suweldo o P500 bawat taon simula sa taong 2020 hanggang 2023.
Kaya ibig sabihin nito, ang dating sumasahod ng P11,000 ay magiging P13,000 sa taong 2023.
Ang basic salary naman ng mga guro na teacher 1 ay itataas mula sa P20,754 ay magiging P27,000 matapos ang apat na taon
Sa taong 2023, ang mga guro na Teacher 1 ay makatatanggap ng 30.1 % na increase habang ang Teacher 2 at 3 ay mabibigyan ng 27.1 at 24.1 % taas sahod.
Kasabay nito, Sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ang panukalang batas upang itaas ang suweldo ng mga govermment workers.
Lumiham mismo si Pangulong Duterte nitong Disyembre 13 kay Senate President Tito Sotto matapos sertipikahang urgent ang Senate bill 1219 o proposed Salary Standardization Law of 2019.
Unang inaprubahan na ito ng Mababang Kapulungan para sa susunod na taon.
- Latest