MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagpapababa sa retirement age ng mga empleyado ng gobyerno.
Sa botong 192 na pabor at walang tumutol, pasado na ang House Bill 5509.
Nakasaad din sa House Bill 5509 na ibababa sa 56 taong gulang ang optional retirement age sa mga empleyado ng gobyerno mula sa 60 taong gulang.
Ito ay dahil naniniwala ang may akda ng panukala na si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na ang pinababang retirement age ay magbibigay ng pagkakataon sa kanila para ma-enjoy pa ang maayos na kalidad na buhay at magagamit ang kanilang pensyon at retirment benefits sa mas maagang edad.
Maliban pa dito, makatutulong din umano ito para magkaroon ng maagang turn over ng mga posisyon sa nakababatang professionals.
Kaya ibig sabihin nito ay mas maraming oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho o gustong magsilbi sa gobyerno.