^

Bansa

Di bababa sa 3 patay, 31 sugatan matapos ang 6.9 magnitude na lindol sa Davao del Sur

Philstar.com
Di bababa sa 3 patay, 31 sugatan matapos ang 6.9 magnitude na lindol sa Davao del Sur
Sa ulat ng CNN Philippines, sinasabing dalawa ang kumpirmadong patay sa gumuhong grocery store sa Padada, Davao del Sur habang isang 6-anyos na babae naman ang patay sa Matanao.
AFP/Manman Dejeto

MANILA, Philippines — Naitala na ang ilang casualties sa katatapos lang na lindol na nangyari Matanao, Davao del Sur, Linggo.

Sa ulat ng CNN Philippines, sinasabing dalawa ang kumpirmadong patay sa gumuhong grocery store sa Padada, Davao del Sur habang isang 6-anyos na babae naman ang patay sa Matanao

Nasa pito naman ang pinaghahanap pa sa nasabing gumuhong gusali.

Nag-anunsyo na rin ng state of calamity si Padada Mayor Pedro Caminero kasunod ng sakuna.

Dalawa lang ang naitaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na patay, habang kinukumpirma pa kung nanggaling ang mga nabanggit sa Hagonoy at Matanao, ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal.

Dagdag pa sa ahensya, 31 ang sugatan sa Davao Region.

Umabot ng magnitude 6.9 ang lindol kahaon, na sinundan na ng 457 aftershocks: 130 ang "plotted" habang 41 ang nadama 

Nasa intensity VII ang naitaya sa Matanao at Magsaysay, Davao del Sur, na itinuturing na "destructive" ng Phivolcs.

Umabot sa 13 pampublikong istruktura rin ang napinsala sa Davao Region at Soccsksargen, kung saan dalawa ang wasak na wasak habang 11 ang bahagyang naasira lamang.

Tatlong eskwelahan din ang napinsala sa Davao del Sur. Nasa anim na iba pang istruktura ang napinsala sa parehong mga rehiyon.

Sa Hagonoy, Davao del Sur, 315 din ang napinsalang mga tirahan.

"RDRRMCs IX, X, XI, and XII are continuously monitoring their areas of responsibility and are in coordination with their respective member agencies to ensure the widest
dissemination of updates and advisories through SMS, facsimile, and official social media websites," ayon sa pahayag. — James Relativo

DAVAO DEL SUR

DEATH TOLL

EARTHQUAKE

INJURED

NDRRMC

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with