MANILA, Philippines — Nangangailangan ng mahigit 30,000 hospital workers ang bansang Germany sa taong 2020.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaking bilang ang 30,000 nurse at hospital workers na dapat ay samantalahin ng mga Filipino.
Nilinaw din nito na ang naturang 30,000 na trabaho ay hindi lamang bukas para sa mga Pinoy.
Samantala, sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), may kabuuang 903 Pinoy nurses ang natanggap sa Triple Win Project simula pa noong 2013.
Ang Triple Win Project ay ang gobyerno sa gobyernong paglalatag ng mga trabaho sa pagitan ng Berlin at Maynila.