^

Bansa

Sa wakas: Fighting senator Manny Pacquiao political science graduate na

James Relativo - Philstar.com
Sa wakas: Fighting senator Manny Pacquiao political science graduate na
Kabilang lamang si Manny sa mga nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration sa University of Makati, Miyerkules.
Litrato mula sa tanggapan ni Senador Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Mula sa pagiging high school dropout dahil sa matinding kahirapan, certified degree holder na ang nag-iisang kampyong boksingero ng Senado.

Kabilang lamang si Manny sa mga nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration sa University of Makati, Miyerkules.

 

 

Isang araw bago ang kanyang graduation, sinabi pa pa ni Manny ang mga katagang "Dream it. Believe it. Achieve it," sa kanyang Instagram account.

Kasama ng post ang kanyang litrato noong siya'y bata-bata pa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Dream it. Believe it. Achieve it.

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

 

Noong ika-9 ng Disyembre, matatandaang kasama ang pangalan ni "Pacman" sa listahan ng mga kandidato sa nasabing programa.

Bagama't hindi niya natapos ang high school sa karaniwang paraan, naipasa niya ang Accreditation and Equivalency test ng Alternative Learning System noong 2007, dahilan para makumpleto niya ang kanyang sekundaryang pag-aaral.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

 

Kahit na wala pa siyang degree noon, dati nang sinabi ni Pacquiao na sang-ayon siya sa pananaw na dapat nakatapos ng kolehiyo ang mga nais tumakbo sa pagka-senador o presidente.

Maliban sa kanyang academic achievements, kilala rin si Paquiao matapos maging unang boksingero sa kasaysayan na manalo ng championship title sa walang weight divisions.

Si Pacquiao din ang kasalukuyang WBA welterweight champion.

GRADUATION

UNIVERSITY OF MAKATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with