^

Bansa

Martial law sa Mindanao ‘di na palalawigin ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Martial law sa Mindanao ‘di na palalawigin ni Duterte
“The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte will not extend martial law in Mindanao upon its expiration on December 31, 2019,” pag-aanunsiyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang kahapon.
The Star/ File

MANILA, Philippines — Hindi na palalawigin ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa rehiyon ng Mindanao.

“The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte will not extend martial law in Mindanao upon its expiration on

December 31, 2019,” pag-aanunsiyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Sinabi ni Panelo na ang pasya ng Pangulo ay base na rin sa naging rekomendasyon ng kaniyang Defense officials na nagbase naman sa bumabang

crime index sa rehiyon at pagbaba ng antas ng terorismo sa Mindanao.

Humina na rin aniya ang puwersa ng mga te­rorista dahil sa pagkakadakip at pagkasawi ng mga lider at miyembro ng mga ito.

Matatandaang isinailalim ni Duterte ang Min­danao sa Martial Law noong Mayo 23, 2017 matapos kubkubin ng ISIS-inspired Maute Group ang Marawi City.

Tatlong beses itong na-extend mula noon.

Una nang nagpahayag si Defense Sec. Delfin Lorenzana na wala na silang nakikita pang dahilan upang magkaroon ng martial law extension.

MARTIAL LAW

OFFICE OF THE PRESIDENT

PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with