Single-use plastic papatawan ng buwis

Sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, na kabilang na rin sa bubuwisan ang mga plastic sachets gayundin ang lahat ng mga plastics na ginagamit sa packaging.
Edd Gumban/ File

MANILA, Philippines — Aprubado na ng House Committee on Ways and Means ang pagpapataw ng P20 excise tax kada kilo sa mga single-use plastic

simula Enero 2020. 

Layunin ng House Bill 178  na mabawasan ang paggamit ng plastic at mahikayat ang publiko sa pagre-recycle.

Sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, na kabilang na rin sa bubuwisan ang mga plastic sachets gayundin ang lahat

ng mga plastics na ginagamit sa packaging. 

Sakaling maging batas ay makakalikom ang gobyerno ng P4.8 bilyon revenue na gagamitin sa mga programa at proyekto ng ecological solid waste management.

Kaya ibig sabihin nito may dagdag na .07 sentimo sa kada single use plastic na bibilihin ng publiko.

Samantala, iminungkahi naman ni Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda na isama rin sa dapat na buwisan ang mga biodegradable plastics dahil ito ay gawa sa micro-plastics na mas delikado sa kalusugan at kapaligiran. 

Show comments