MANILA, Philippines — Bukas na uli ang Pasig River Ferry System at maaari nang bumiyahe.
Ito’y matapos na isagawa kahapon ang re-launching Pasig River Ferry System na naglalayong makabawas ng mga pasahero sa mga lansangan.
Ang simpleng seremonya ay dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno, MMDA Chairman Danilo Lim, MMDA General Manager Jojo Garcia, Transportation Sec. Arthur Tugade, Senator Bong Go at Pasig City Mayor Vico Sotto.
Mula sa Lawton Station sa Maynila ay sumakay ang mga opisyal patungo sa Guadalupe Ferry Station sa Makati.
Layunin ng pagbubukas ng ferry system na maihatid ang mga pasahero na nakikipagsapalarang makasakay sa ibang public utility vehicle.
Malaking tulong kasi aniya ito sa mga commuter bilang alternatibong transportasyon para makaiwas sa trapik sa mga lansangan sa Metro Manila.