MANILA, Philippines — Kasalukuyang sinusuri sa ospital si dating Pangulong Benigno Aquino III, kumpirma ng kanyang tagapagsalita, Lunes ng hapon.
Una nang ibinalita ng DZRH na isinugod sa Makati Medical Center si Aquino para sa isang "heart procedure."
Tumugon naman ang kampo ni Aquino sa Twitter at kinumpirmang nasa ospital nga ang dating presidente.
Sa kabila nito, sinabi ng spokesperson ni Noynoy na "scheduled check up" at "routine procedure" lang ang pinagdadaanan niya sa ngayon.
Siniguro rin ni Valte na nasa mabuting lagay naman ang anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Sen. Benigno Aquino Jr.
Nagbiro pa na baka daw kaya heart procedure ang balita kasi heartbroken siya. He’s alright and in high spirits, and thanks everyone for their concern. 2/2
— Abi Valte (@Abi_Valte) December 9, 2019
"Bagama't inoobserbahan pa siya, nakausap ko siya para ikwento sa kanya kung ano ang ibinabalita sa media," paliwanag niya.
Aniya, pinagkatuwaan pa nga raw ni Noynoy ang mga nagsasabing inoperahan siya: "Nagbiro pa na baka daw kaya heart procedure ang balita kasi heartbroken siya. He’s alright and in high spirits, and thanks everyone for their concern."
Dati nang ikinababahala ng publiko ang kalusugan ni Noynoy, dahil sa lakas niya diumanong manigarilyo.
Matatandaang sunud-sunod ang pag-ubo niya noon habang ibinibigay ang kanyang State of the Nation Address noong 2013.
Si Aquino, na pinalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay humarap sa mga reklamo ng "reckless imprudence resulting in multiple homicide" dahil sa Mamasapano massacre na nangyari sa Mindanao.
Gayunpaman, pinanindigan ng Korte Suprema na ibinabasura nila ito noong ika-3 ng Setyembre.
Sa kabila nito, sinabi naman ng Office of the Ombudsman na merong probable cause para kasuhan si Aquino ng usurpation of authority kaugnay ng parehong insidente.
Hinahabol ngayon ng mga oamilya ng 44 na police commandos na namatay sa Mamasapano ang kaso at humihiling ng reinvestigation.