LGBTQ kinilala sa Palayan City
PALAYAN, Philippines — Pinahalagahan ang mga kontribusyon ng LGBTQ sa Palayan City, Nueva Ecija sa pamamagitan ng paglulunsad ng kauna-unahang summit para sa kanila.
Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, malaki ang naging ambag ng LGBTQ sa pag-unlad ng lungsod kaya nila ito kinilala sa pagdaraos ng 1st Palayan Rainbow.
Daan-daang miyembro ng LGBTQ sa lugar ang dumalo sa pagtitipon para ipahayag ang kanilang mga opinyon, saloobin at ipinamalas na rin ang kanilang mga talento sa larangan ng beauty contest.
Sinabi ni Mayor Cuevas, mahalaga ang mga kontribusyon ng LGBTQ sa kanilang komunidad na nagpamalas ng ganda, art, fashion, matagumpay na pagnenegosyo at iba pa.
“We take for granted yet sila ang nilalapitan natin if we need to be beautiful or kung need natin ng mga magagandang kasuotan,” anang Alkalde.
Tinukoy din ni Mayor Cuevas na maraming LGBTQ ang naging matagumpay sa entrepreneurs, doctors, lawyers, miyembro ng academe at iba pang talento na kanilang taglay.
Nangako si Mayor Cuevas na masusundan pa ang naturang summit bilang pagkilala sa mga kakayahan at kontribusyon ng grupo sa Palayan City.
- Latest