^

Bansa

Batas kontra fake news, isusulong sa Kamara

Pilipino Star Ngayon
Batas kontra fake news,  isusulong sa Kamara
Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, ang fake news ay dapat ituring na kasalanan na marapat lamang na patawan ng parusa ang may kagagawan ng walang katotohanang balita.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Bagama’t isang imbestigasyon na ang ipapatawag ng Kongreso hinggil sa pagkalat ng fake news tungkol sa SEA Games ay plano pa rin ng isang partylist congressman na magsulong ng panukalang batas laban dito.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, ang fake news ay dapat ituring na kasalanan na marapat lamang na patawan ng parusa ang may kagagawan ng walang katotohanang balita.

“Since hindi totoo at ikinalat pa ang tsismis, dapat kasuhan ang nag-umpisa o nagpakalat nito tulad sa isang rumor mongering,” ani Yap.

Sinabi ni Cong. Yap, ang rumor mongering o tsismis ay isang kaso na may katapat na parusang pagkakabilanggo.

“Isang batas ang aking ihahain para parusahan ang sinumang magpapakalat ng  fake news o maling balita,” pahayag ni Yap.

Matatandaan na bago nag-umpisa ang 30th SEA Games ay nagkalat ang fake news hinggil sa palpak na preparasyon umano ng gobyerno sa naturang palaro, pero makalipas ang ilang araw ay lumabas ang katotohanan na pawang gawa-gawa lamang ang maling balita tungkol sa mga umano’y aberya.

“Hindi lang kasi isang indibidwal ang sinisira ng mga pekeng balita kundi ang gobyerno at ang kabuuan ng  bansa sa mata ng international community,” sabi pa ni Cong. Yap.

30TH SEA GAMES

ACT-CIS

CONG. ERIC YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with