Legazpi City, Albay, Philippines — Daan-daang residente na sinalanta ng bagyong Tisoy ang hinatiran ng tulong ni Sen. Bong Go sa mga lalawigan ng Albay at Sorsogon kahapon.
Aabot sa 380-bilang ng pamilya na matinding sinalanta ni Tisoy sa bayan ng Daraga sa Albay habang 200 pamilya naman sa bayan ng Gubat sa Sorsogon ang magkasunod na pinuntahan ni Senador Go kasama sina Ako Bicol Cong. Elizaldy Co at Cong. Alfredo Garbin Jr. at personal na namigay ng relief goods.
Kasama ang mga taga-National Housing Authority at Department of Social Worker and Development (DSWD) ay namigay din sila ng cash assistance sa lahat ng na-validate na mga residente na partially at totally damaged ang mga bahay.
Ayon kay Albert Perfecto, regional manager ng NHA sa Bicol, aabot umano sa P20-P30 libong piso ang tatanggapin ng bawat isa na na-validate ng social worker na nasiraan ng bahay dahil kay Tisoy.