^

Bansa

Sen. Go namudmod ng tulong sa ‘Tisoy’ victims

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Sen. Go namudmod ng tulong sa ‘Tisoy’ victims
Aabot sa 380-bilang ng pamilya na matinding sinalanta ni Tisoy sa bayan ng Daraga sa Albay habang 200 pamilya naman sa bayan ng Gubat sa Sorsogon ang magkasunod na pinuntahan ni Senador Go kasama sina Ako Bicol Cong. Elizaldy Co at Cong. Alfredo Garbin Jr. at personal na namigay ng relief goods.
The STAR/File

Legazpi City, Albay, Philippines — Daan-daang residente na sinalanta ng bagyong Tisoy ang hinatiran ng tulong ni Sen. Bong Go sa mga lalawigan ng Albay at Sorsogon kahapon.

Aabot sa 380-bilang ng pamilya na matinding sinalanta ni Tisoy sa bayan ng Daraga sa Albay habang 200 pamilya naman sa bayan ng Gubat sa Sorsogon ang magkasunod na pinuntahan ni Senador Go kasama sina Ako Bicol Cong. Elizaldy Co at Cong. Alfredo Garbin Jr. at personal na namigay ng relief goods.

Kasama ang mga taga-National Housing Autho­rity at Department of Social Worker and Development (DSWD) ay namigay din sila ng cash assistance sa lahat ng na-validate na mga residente na partially at totally damaged ang mga bahay.

Ayon kay Albert Perfecto, regional manager ng NHA sa Bicol, aabot umano sa P20-P30 libong piso ang tatanggapin ng bawat isa na na-validate ng social worker na nasiraan ng bahay dahil kay Tisoy.

ALBERT PERFECTO

DEPARTMENT OF SOCIAL WORKER AND DEVELOPMENT (

TISOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with