^

Bansa

6 milyon Pinoy nakawala sa kahirapan

Edu Punay - Pilipino Star Ngayon
6 milyon Pinoy nakawala sa kahirapan
Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na, batay sa pinakahuling datos ng gobyerno, ang poverty incidence sa mga pamilya sa bansa ay bumaba sa 16.6% noong 2018 mula sa dating 23.3% ng taong 2015.
The STAR/File

MANILA, Philippines — May isang milyong pamilya o anim na mil­yong Pilipino ang nakawala sa kahirapan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na, batay sa pinakahuling datos ng gobyerno, ang poverty incidence sa mga pamilya sa bansa ay bumaba sa 16.6% noong 2018 mula sa dating 23.3% ng taong 2015.

Ayon kay Salceda, tagapangulo ng ways and means committee ng House of Representatives, ang 5.5% drop ay katumbas ng 1.1 milyong pamilya o 5.9 milyong indibidwal na nagawang mamuhay nang nakaa­ngat mula sa poverty line.

Ipinaliwanag niya na, sa nagdaang admi­nistras­yon noong 2015, may 4.1 pamilya o 23.5 milyong Pilipino ang nabubuhay sa ilalim ng poverty line at, pagkaraan ng tatlong taon sa ilalim ng administrasyong Duterte, bumaba ang bilang na ito sa tatlong milyong pamilya o 17.6 milyong indibidwal.

“Ito sa ngayon ang pinakamahalagang positibong balita sa unang tatlong taon ng administrasyong Duterte,” diin ni Salceda.

Sinabi pa ni Salceda na pinasisinungalingan ng naturang mga datos ang mga pangamba na ang Tax Reforms for Acceleration and Inclusion Law ay magpapataas sa poverty level sa bansa.

Naniniwala si Salceda na ang pagbabang ito sa poverty rate ay nagpapakita na nagkakabunga ang Duterteno­mics.

Binanggit niyang iba pang senyales ang infrastructure development mula 2.8% hanggang P5.2% sa pamamagitan ng Build-Build-Build programs na nakalikha ng dalawang milyong trabaho at ang tax-to-GDP ratio na 14.7% sa first quarter ng taong ito.

Binanggit pa niya ang mga social investments sa health, basic, technical at higher education na dahilan para ma­ging more inclusive ang growth.

JOEY SALCEDA

KAHIRAPAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with