10 milyon Pinoy ‘no read, no write’

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, dapat tutukan ng gobyerno ang Alternative Learning System, ang parallel learning system ng Department of Education patungo sa formal education system sa bansa.

MANILA, Philippines — Isa sa bawat 10 Fili­pi­no o 10 milyon ng ka­­bu­uang populasyon ng Pilipinas ang hindi makabasa at makasulat.

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, dapat tutukan ng gobyerno ang Alternative Learning System (ALS), ang parallel learning system ng Department of Education (DepEd) patungo sa formal education system sa bansa.

Ayon sa senador, dapat makinabang sa programa ang nasa 24 milyong Filipino na may edad 15 pataas na hindi nakapagtapos ng high school.

Ipinunto pa ni Gatcha­lian na bagaman at tumaas ang bilang ng mga nag-enrol sa ALS sa mga nakalipas na taon, marami pa ring “potential learners” ang hindi naaabot ng programa.

Anya, dapat matiyak ang kalidad ng pagtuturo ng ALS, kaya mahala­gang magsagawa ng training program para sa mga guro ng ALS.

Idinagdag ni Gat­cha­lian na kung hindi na mai-institutionalize, mapapalakas, at maita­tama ang mga pagkukulang ng programa at lalabas na maaksaya lamang ang resources ng gobyerno at panahon ng mga nag-aaral sa ALS.

Show comments