^

Bansa

120 pulis dineploy sa Camp Bagong Diwa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
120 pulis dineploy sa Camp Bagong Diwa

Hatol sa Maguindanao massacre ibababa na

MANILA, Philippines — Nagdeploy na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 120 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion na naka-full battle gear sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaugnay sa pagbaba ng hatol sa Maguindanao massacre sa darating na Disyembre 19.

Sinabi ni NCRPO acting Director Brig. Gen. Debold Sinas na ipatutupad nila ang paghihigpit ng seguridad upang kontrolin ang pagpasok at paglabas sa kampo para maiwasan ang anumang insidente sa promulgasyon ng kaso na gaganapin sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Jail Annex sa Camp Bagong Diwa.

Sinabi ni Sinas na ang 120 miyembro ng RMFB ay idineploy sa entrance at exit points ng kampo.

Samantala tiniyak naman ni QCPD Director Brig Gen. Ronnie Montejo na magtatalaga rin sila ng sapat na seguridad sa Quezon City Branch 221 sa ilalim ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, mga prosecutors at mga abogado na humahawak ng kaso.

Ipatutupad din ng Bureau of Jail Management and Penology ang lockdown sa mga jail facility ng nasabing kampo bago pa man ang pagbaba ng hatol upang maiwasan ang anumang hindi inaasahan.

Una nang hiniling ng prosekusyon na ipag-utos ng korte ang pagbabalik selda ng akusadong si dating Maguindanao Gov. Zaldy Ampatuan na kasalukuyang nagpapagamot sa Makati hospital.

Halos isang buwan ng nasa Intensive Care Unit ng nasabing pagamutan si Zaldy na sumasailalim sa physical therapy dahil sa ‘plegic left arm’.

Magugunita na nasa 58 katao kabilang ang 32 mediamen ang nasawi sa malagim na massacre noong Nobyembre 23, 2009 sa Brgy. Sal­ting, Ampatuan, Maguindanao kung saan ang ang­kan ng mga Ampatuan na kalaban sa pulitika ng noo’y kandidatong gobernador at ngayon ay si Rep. Esmael Mangudadatu.

MAGUINDANAO MASSACRE

MOBILE FORCE BATTALION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with