^

Bansa

‘Wag pasindak sa ‘name-droppers’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

PNP sa traffic enforcers

MANILA, Philippines — Binilinan ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang mga traffic enforcers na huwag magpasindak sa mga “name-droppers” o mga motorista na gumagamit ng calling cards ng mga matataas na opisyal ng gobyerno para makalusot sa paglabag sa trapiko.

Ito ang mahigpit na direktiba ni Gamboa bunsod na rin ng matinding trapiko ngayong ‘holiday season’.

Sinabi ni Gamboa na naobserbahan niya na ilang mga pulis ang madaling masindak sa mga personalidad na lu­malabag sa trapiko kapag nagpapakita umano ng mga calling cards ng mga kilalang opisyal ng gobyerno.

Binigyang din ni Gamboa na dapat walang ‘sacred cow’ o sinasanto ang kanilang kampanya at ipatupad ang batas maging mahirap man o mayaman o kung sino man ang tamaan.

Nagbabala rin si Gamboa na mahaharap sa kasong administratibo ang mga pulis na mangu­ngunsinti o magpapalusot sa mga nagpapakilalang kaibigan ng mga opisyal ng gobyerno na ang ipinakitang pruweba ay mga calling cards.

TRAFFIC ENFORCERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with