^

Bansa

Gobyerno walang balak magbayad ng P10 bilyon sa 2 water concessionaires

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang planong magbayad ang gobyerno ng mahigit P10 bilyon sa 2 water concessionaires kahit inatasan ito ng Singapore arbitration court.

Nanindigan ang Palasyo na ‘onerous’ ang kontrata kaya hindi magbabayad ang gobyerno.

“Hindi magbabayad, kasi nga onerous ‘yung kontrata eh, masyadong disadvantageous sa gobyerno,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo. 

Inatasan ng Permanent Court of Arbitration sa Singapore ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang Manila Water ng P7.39 billion dahil sa lugi nito mula June 2015 to November 2019. Habang pinagbabayad din ng korte ang Maynilad ng P3.4 billion dahil sa hindi pagpayag na magtaas ng singil sa tubig mula 2013-2017.

Inakusahan ni Pangulong Duterte ang 2 water companies na “ginatasan” ng bilyon ang mga customers nito.

Naniniwala rin ang Pangulo na onerous ang kontrata na pinasok ng gobyerno noong 1997 kaya inutos nitong bumalangkas ng bagong kontrata na hindi lugi ang gobyerno.

KOMIKS

WATER CONCESSIONAIRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with