^

Bansa

Gilbert Gapay itinalagang bagong hepe ng AFP ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
Gilbert Gapay itinalagang bagong hepe ng AFP ni Duterte
Aniya, ginawa ni Pangulong Duterte ang desisyon kaugnay ng letter-endorsement ni Defense chief Lorenzana at rekomendasyon ng Chief of Staff, AFP at Chairman ng AFP Board of Generals.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines —  Kinumpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ngalan ng bagong mamumuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sa isang pahayag na inilabas isinapubliko ngayong Miyerkules.

Ayon sa liham na kanyang ipinadala kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi na iginagawad na ang pwesto kay Gilbert Gapay.

"[T]he designation of LIEUTENANT GENERAL GILBERT I. GAPAY, O-9473 ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES as Commanding General, Philippine Army," ayon kay Digong.

Aniya, ginawa ni Duterte ang desisyon kaugnay ng letter-endorsement ni Lorenzana at rekomendasyon ng Chief of Staff, AFP at Chairman ng AFP Board of Generals.

Hahalili si Gapay sa posisyong maiiwan ni Lt. Gen. Macairog Alberto.

Dagdag ng sulat, magiging epektibo ang pagkakatalaga kay Gapay sa pagsapit ng ika-6 ng Disyembre, 2019.

Ang chief of staff ang pinakamataas na opisyal ng AFP, na siyang itinatalaga at direktang nag-uulat sa presidente ng Pilipinas, alinsunod sa Article VII, Section 18 ng 1987 Constitution.

Bagama't ang chief of staff ang highest-ranking military officer, si Duterte ang itinuturing na commander-in-chief ng AFP, dahilan para maging pinakamataas na commander ng sandatahan.

Kabilang sa mga magiging bagong tungkulin ni Gapay ang pagsasakatuparan ng mga utos, taktika, operasyon, plano at estratehiya ng presidente.

Maliban dito, magsisilbi rin siya bilang immediate adviser sa kalihim ng DND.

Pangangasiwaan na rin niya ang operational control sa lahat ng military personnel ng AFP.

Kasama sa mga service branches na kanyang hahawakan ay ang Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy at Philippine Marine Corps.

Sa taya ng Global Fire Power, nasa 51,887,757 ang available manpower ng kasundaluhan ng Pilipinas.

Nasa 42,547,960 naman ang tinatawag na "fit-for-service," 125,000 ang aktibong kawani at 180,000 naman ang sinasabing nasa reserve forces.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF

GILBERT GAPAY

MILITARY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with