MANILA, Philippines — Gabi-gabing nagdarasal si Pangulong Duterte hindi para sa kanyang sarili kundi para sa bayan.
“Yes, for my country. Wala na akong hinihingi pa para sa akin,” pahayag ni Pangulong Duterte sa exclusive interview ng programang Unang Hirit.
“Ako, hindi na ako nagdadasal para sa sarili ko, para sa bayan ko lang,” wika ng Pangulo.
Magugunitang umani ng kritisismo ang Pangulo dahil sa pagmumura nito sa mga pari ng Simbahan at pagbubulgar sa dinanas na pagmomolestiya ng pari noong kanyang kabataan.
Lalong uminit ang kritiko sa Pangulo ng tawagin niyang ‘stupid God’.
Pero inilarawan ng Pangulo ang kanyang sarili bilang ‘religious person’ na ginagamit na gabay araw-araw ang Bibliya.