^

Bansa

Mahigit 58,000 pamilya inilikas dahil sa bagyong 'Tisoy'

James Relativo - Philstar.com
Mahigit 58,000 pamilya inilikas dahil sa bagyong 'Tisoy'
Umabot na sa 57,918 pamilya o 225,768 katao ang isinailalim sa pre-emptive evacuation, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, alas-otso ng umaga, Martes.
AFP/Razvale Sayat

MANILA, Philippines — Libu-libo na ang inilikas sa iba't ibang bahagi ng bansa bilang pag-iingat sa hagupit ng Typhoon Tisoy.

Umabot na sa 57,918 pamilya o 225,768 katao ang isinailalim sa pre-emptive evacuation, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, alas-otso ng umaga, Martes.

Ang naturang bilang ay nanggaling daw mula sa mga Region V, VIII, CALABARZON at MIMAROPA.

Labas sa bilang na inilabas ng NDRRMC, iniulat na kaninang madaling araw na iniutos na ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang pre-emptive evacuation sa mga coastal barangay sa kabisera ng bansa.

Ayon kay Julius Leonen, hepe ng Manila Public Information Office, patuloy pa rin ang evacuation efforts na isinasagawa ngayon sa Isla Puting Bato sa Maynila: "[N]o initial numbers yet."

Pinsala ng bagyo

Nasa 22 kabahayan na rin ang sinasabing napinsala sa Bikol at Cordillera Administrative Region. 13 dito ang sinasasabing wasak na wasak habang siyam naman ang bahagya lang daw napinsala.

Nagmula sa Bikol ang 22 nasirang kabahayan habang tatlo naman ang nagmula sa CAR.

Maliban pa riyan, 10 lugar na sa Bicol, CAR at CALABARZON ang nakararanas ng power interruption.

Kasama rito ang:

  • Apayao (Flora at Luna)
  • Abra (Langangilang)
  • Quezon (Alabat, Macalelon, Gen. Luna at Perez)
  • Albay
  • Catanduanes
  • Masbate

Umaabot naman sa pitong transmission lines ang sinasabing naapektuhan ng weather disturbance sa Luzon at Visayas.

Makikita naman ang listahan ng mga naantalang flights ngayong Martes at Miyerkules dito.

Paghahanda ng gobyerno

Samantala, nag-request na rin ng 6,000 sako ng NFA Rice ang Department of Social Welfare and Development.

Naghahanda na rin ng standby funds ang DSWD na nagkakahalaga ng P586,890,340.46, kung saan P548,990,071 ang gagamitin bilang quick response fund ng central office.

Meron na ring 299,489 family food packs na nagkakahalaga ng P115,375,181.72 at food and non-food items na nagkakahalaga ng P651,647,338.45.

EVACUATION

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

TISOY

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with