MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong "Tisoy" ang lakas nito habang malapit sa baybayin ng Bondoc Peninsula, Martes ng umaga.
"Kasalukuyang nagdadala ng mararahas na pag-ihip ng hangin at malalakas na pag-ulan ang 'eyewall' ng bagyong 'Tisoy' sa Southern Quezon, Marinque at Romblon," sabi ng PAGASA, alas-otso ng umaga.
Ang nasabing eyewall ay tinatayang makaaapekto rin sa Cavite, Batangas at hilagang bahagi ng mga probinsya ng Mindoro sa susunod na tatlong oras.
Maaaring mag-landfall o lumapit nang husto ang nasabing bagyo sa paligid ng Marinduque, Simara Island o Banton Island bago magtanghali.
Kaninang alas-siyete ng umaga, namataan ang mata ng bagyong "Tisoy" sa coastal waters ng San Francisco, Quezon.
Taglay ng typhoon ang lakas ng hangin na aabot ng 115 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong aabot ng hanggang 235 kilometro kada oras.
Kumikilos ito ngayon pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Signal no. 3 nakataas pa rin
Samantala, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Camarines Sur
- Albay
- Camarines Norte
- Masbate (kasama ang Ticao at Burias Islands)
- Romblon,
- katimugang bahagi ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Catanauan, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco at San Andres)
- Marinduque
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)
- Batangas
- Cavite
- Laguna
Sa mga nasabing lugar 121 hanggang 170 kilometro kada oras ang umiiral o inaasahang lakas ng hangin sa loob ng 18 oras.
Samantala, Signal No. 2 naman sa:
- Catanduanes
- Sorsogon
- Metro Manila
- Bulacan
- Bataan
- Tarlac
- Pampanga
- Nueva Ecija
- katimugang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis at Dingalan)
- Rizal
- nalalabing bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
- Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion at Linapacan)
- Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay at Agutaya)
- Zambales
- Pangasinan
- Northern Samar
- Aklan
- Capiz
- Northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi at Tibiao)
- Northern Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Btad, San Dionisio, Sara, Concepcion at Lemery)
Nasa 61 hanggang 120 kilometro kada oras ang umiiral o inaasahang lakas ng hangin sa mga nasabing lugar sa susunod na 24 oras.
Signal No. 1 naman sa:
- Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin)
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Nueva Vizcaya
- Ilocos Sur
- La Union
- Quirino
- nalalabing bahagi ng Aurora
- hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli at Dumaran)
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
- hilagang bahagi ng Negros Oriental (Canlaon, Guihulngan at Vallerhermoso)
- hilagang bahagi ng Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana at Moises Padilla)
- Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias at Camotes Islands)
- nalalabing bahagi ng Antique
- nalalabing bahagi ng Iloilo
- Guimaras
- Leyte
Ngayong umaga hanggang hapon, mararanasasn ang madalas hanggang tuloy-tuloy na matitinding pag-ulan sa Kabikulan, Romblon, Marinduque, mga probinsya ng Mindoro, Calabarzon, Metro Manila, Bataan, Pampanga at Bulacan.
Minsanan hanggang madalas na malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Central Luzon.
Sunud-sunod na malalakas na pag-ulan naman ang matitikman ng mga probinsya ng Samar, Biliran, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras at hilagang bahagi ng mga probinsya ng Negros at Cebu.
Banta ng daluyong nariyan pa rin
Hindi pa rin nawawala ang banta ng mga daluyong, o storm surge, habang umiiral ang masamang panahon.
Tinatayang aabot ng dalawa hanggang tatlong metro ang inaasahang daluyong sa:
- Batangas
- mga probibnsya ng Mindoro
- Marinnduque
- Romblon
- Ticao at Burias Islands
- timog baybayin coast ng Southern Quezon
Nasa isa hanggang dalawang metro naman ang posibleng storm surge sa:
- Camarines Norte
- hilagang baybayin ng Southern Quezon
- Cavite
- Metro Manila
- Bulacan
- Pampanga
- Bataan
- Zambales (Subic Bay coastal areas)